JESUS THE ANOINTED ONE CHURCH
MABINI, BATANGAS

SHORT History
Ang JA1 Mabini ay naitatag noong October 2011 sa pangunguna ng mag-asawa na sina Rev. Leo Garcia at Ptra. Brenda Garcia. Nagsimula sila ng gawain sa tahanan ng isang pamilya, ang Saniatan family, na siya ring naging isa sa mga haligi, pundasyon, nauang mga mananalangin ng JA1 Mabini. Hindi nagtagal ay unti-unting lumago ang noon ay "Bible study" na nag-transition sa "Cell Group" at sa kasalukuyan ay tinatawag nang "Anointed Group." Sa biyaya ng Diyos ay nakalipat ang gawain sa isang gusali na matatagpuan sa Poblacion, ang sentro ng Mabini, hanggang sa kasalukuyan. Nagkaroon ng mga miyembro galing sa iba't ibang barangay ng munisipalidad katulad ng Talaga, Gasang, Solo, Poblacion, Malimatoc, at Bulucan. Nakilala rin nang lubusan ang JA1 Mabini Church sa biyaya ng Inner Healing and Deliverance na naging daan upang marami ang makaranas ng himala, kagalingan, at kalayaan na nagmumula sa Diyos. Ilan sa mga naging bunga nito ay ang mga kasalukuyang leaders ng church.



